Sabado, Setyembre 5, 2015

"Isang Paglalakbay Upang Makilala ng Lubos si Dr. Jose Rizal"


- Camille M. Pineda  : Mag-aaral ng BSME 1-A

" Ang Pagtungo Namin sa Pambansang Museo"





Dito sa Pambansang Museo ay makikita ang iba't- ibang skultura o portrait na masasabing talaga namang sentimental para sa ating mga Pilipino. Ang una namaing pinuntahan ay ang bahagi ng museo kung saan naroon ang mga skultura at larawan ng ating pambansang bayani, makikita rito sa bahaging ito hindi lamang ang mga larawan at skultura ni Dr. Jose Rizal kundi makikita rin dito ang mga nadiskubre niyang mga "rare species" . Sulit ang pagbisita namin dito sapagkat libre naming nalibot ang pambansang museo at nakita at naramdaman namin hindi lamang ang galing ng ating pambansang bayani kundi pati na din ng mga Pilipinong Pintor at skultor kabilang na sina Juan Luna, Francisco Amorsolo at Carlos "BOTONG" Francisco at marami pang iba.


"Pagbisita sa Luneta"










           Sa aming pagpunta sa Luneta, kung saan naroon ang bantayog ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay hindi namin alintana ang init ng araw sapagkat nababakas pa rin sa aming mga mukha ang ngiti sa aming mga labi kahit na sobrang init ng araw. Makikita sa aming larawan ang talaga namang kapuna-puna sa likuran ng bantayog ng ating bayani ay ang sinasabi nilang "Pambansang photobomber" na sumisira sa kagandahan ng tanawin mula rito sa monumento ng ating Pambansang bayani. Sapagkat nawawala ang pagiging SOLEMN ng Luneta, Gayunpaman, kumikilos na ang ating Gobyerno ukol sa suliraning ito. Datapwat nagsisilbi itong pambansang pasyalan ng mga kapwa nating Pilipino mayaman man o mahirap hanggang sa ngayon ay tinatangkilik pa rin itong pasyalan ng ating mga kababayan.



" Pagtungo sa Fort Santiago"









         Maituturing ko na isang masayang bahagi ng aming paglalakbay aral ang aming karanasan dito sa Fort Bonifacio, Kahoit pa may entrance fee dito na nagkakahalaga ng Limampung Piso (P50.00) kada tao . Aking masasbing sulit ang aming limampung piso sapagkat maganda at sentimental at makasaysayan ang Fort Santiago. Sapagkat dito ikinulong ang ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal makikita sa larawan na aking kinunan ang mga bakal na yabag ni Rizal patungo sa kanyang piitan, makikita din sa larawan ang estatwa ni Rizal kung saan siya ikinulong. Nakatutuwang isipin na sa panahon ngayon ay nananatili pa rin ang lugar na ito na malinis at maganda ang tanawin at patuloy na ginagawang pasyalan ng ating mga kababayan at pati na rin ng mga dayuhan.



"Pagbisita sa lugar kung saan dating nakatayo ang Unibersidad ng Ateneo De Manila"





         Si Rizal ay mag-aaral ng Ateneo Municipal de Manila mula 1872-1877. Ang orihinal na gusali ay nasunog noong 1932. Kung kaya't ngayon ay abandonado na ang lugar na ito.



"Pagbisita sa lugar kung saan dating nakatayo ang Unibersidad ng Sto. Tomas"




       Si Rizal ay mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Intramuros mula 1877-1882. Ngunit dahil sa hindi pinapansin ng mga propesor dito ang kagalingan ni Rizal dahil ayaw sa kanya ng kanyang mga propesor ay hindi na natapos ni rizal ang pagaaral  niya dito at doon na lang nagtungo sa Espanya upang doon kumuha ng kurso upang maging doktor sa mata.


" Pagbisita sa Binondo kung saan dating nakatayo ang bahay ni Higino Francisco"









         Sa bahay na ito unang inilagay ang katawan ni Dr. Jose Rizal, matapos itong hukayin mula sa sementeryo ng Paco, patungong Luneta. Sinasabing dito rin unang itinago ang orihinal na sipi ng Noli Me tangere. Ngunit sa kasalukuyan ay nasunog na ang bahay na ito kung kaya't makikita sa aming larawan na isang bakanteng lugar na lamang ito. Isang masayang karanasan rin ang pagpunta namin dito sapagkat ito ang una naming pinuntahan at nakatutuwang isipin na may "little China town" ang ating bansa sapagkat sa pagyapak mo sa Binondo ay talaga namang para kang nasa China dahil sa mga paninda at mga bilihan doon at karamihan sa mga tao rito ay mga Intsik. 


 "Pagbisita sa Lugar ng Paglilitis ni Dr. Jose Rizal"






          Ang lugar na kung saan nilitis si Dr. Jose Rizal ay matatagpuan sa Cuartel de España. Naglagay ng isang historical marker ang Intramuros Administration upang tukuyin ang lugar na ito sa kalye ng Muralla. Mababakas sa aming mga mukha ang pagod  dahil sa init ng araw at sapagkat tuloy tuloy ang aming paglalakbay pagkatapos naming puntahan ang Fort Santiago ay nagtungo na kami kaagad sa lugar kung saan nilitis si Dr. Jose Rizal.


" Pagbisita sa Paco Cemetery"





          Sa aming paglalakbay itong lugar na ito ang aming huling pinuntahan, makikita sa aming mga larawan ang pagod, pawis at syempre ngiti sa aming mga mukha sapagkat sa wakas ay tapos na ang aming paglalakbay aral. Dito sa Paco cemetery unang inilibing ang mga labi ni Dr. jose Rizal sapagkat noong siya ay namatay ay kinuha nila Andres Bonifacio ang kanyang mga labi upang manatili itong ligtas mula sa ibang mga nagrerebolusyon dahil maaari nilang gamiting instrumento ang mga labi ng pambansang bayani o kaya naman ay may gawin silang hindi maganda rito. Kung kaya't minabuti nila Andres Bonifacio na ilibing si Rizal dito sa Paco Cemetery ngunit kalauna'y inilipat ng libingan si Dr. Jose Rizal.



REPLEKSYON: 

            Sa aming isinagawang paglalakbay aral ay higit kong nakilala ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal at lalong higit ay nalaman ko ang mga mahahalagang lugar kung saan nasaksihan ang mga pangyayaring naganap noon sa kanyang buhay, lalo na ang mga lugar kung saan nagsimula ang kanyang kalbaryo upang ipagtanggol at ipaglaban ang ating Inang bayan mula sa dayuhang Espanya. At dahil dito sa paglalakbay naming ito ay mas higit naming nakilala ang bawat isa sa aming mga kamag-aral kung kaya't aking masasabi na talaga namang WORTH IT ang aming nasabing paglalakbay at maituturing na isa sa mga masasayang karanasan ko.



-Camille M. Pineda  Mag-aaral ng BSME 1-A














Walang komento:

Mag-post ng isang Komento